Makata. Maka-Tao.

Nakakapahamak ng buhay kapag sa OUTER LIFE e walang wala ang Lord. Pero nakakamatay kung pati sa INNER LIFE e wala pa rin ang Lord. Only God knows how we'll function very well. Nakakagulo ng buhay yung gumalaw ayon sa sistema ng tao.. lalo na ng ibang tao. Nakakapagod na isipin yung sarili. Tapos nadadagdagan pa yung pagod kapag iniisip mo yung iniisip ng iba. CONSCIOUS ba.

I believe kaya puso ang tinitignan ng Lord kasi maliit lang 'to. Magkakaalaman talaga kung ano yung BEST na ilalagay natin dito.

malimit na ma-correct ako ng Lord sa mga naiisip ko... tapos feeling ko na agad wala nang kwenta yung mga ginagawa ko. Nakalimutan ko na may puso pa pala ko... anu man yung mga dumaan sa isip ko, hindi yun mababago yung laman ng puso ko. At kung si Lord naman ang laman ng puso ko, hindi ako mabilis madidiscourage.

Marami ako naiisip na iniisip sakin ng ibang tao. Kung anong tingin nila sa akin, kung anong iniisip at sinasabi nila sakin... Yun tuloy yung mga nagiging pundasyon ng pagkatao ko. Pero ang galing kasi nung sa mga nakaraang araw, tinatama ako ni Lord. pati sa msg Nya kahapon sa service.. Hindi na tayo nakatingin sa REPUTASYON natin ngayon, ang inaalagaan at mas binibuild up natin is yung RELASYON natin sa Kanya.

Oo nga pala, I am Christ-like. Not people-like.

Comments

Most Read

"I Can't Believe It's Over." A Break-Up Story

Steve Jobs & Me

The Story of the Nativity and The Relativity