Oras Na!

Minsan lang dumadating yung pagkakataon na kailangan mong magpa-lakas. Pagkakataon na kailangan mong magmahal ng magmahal... at magmahal ng magmahal pa. Pagkakataon para palampasin ang mga sakit, pagod, sariling kasiyahan at pagiging makasarili.

Minsan lang naman dadaan yung panahon na mahihirapan ka, malulungkot at mapapagod.

Sa mga minsan pa na 'to, mas madami pa'rin naman yung madalas na kagalakan mo.

Minsan lang dumating yung pagkakataon na masisiyahan ka sa mga taong nagbabago. Mga taong nagbabago na kabilang pa sa kanila ay pamilya mo, kaibigan at mahal mo.

Minsan lang naisasabuhay yung pagka panalo na matagal nang inihandog sa'yo.
Madalas kasi nauunahan ka pa ng pagka talo.

Minsan lang dumaan yung pagkakataon na ganito. Minsan nga hindi mo alam kung meron pa pagkatapos nito.

Comments

Most Read

"I Can't Believe It's Over." A Break-Up Story

Steve Jobs & Me

The Story of the Nativity and The Relativity