Driver's Seat. Front Seat/Front Seat. Driver's Seat.
Sa kahabaan ng binabagtas na kalsada, nagpupumilit magsalita ang aking mapanuring mata. Sa tabi ng bintana, sa gitna, basta ang daa'y nakikita. Nais ko'ng hindi malayo, sa mga istorya ng taong may iba't ibang dinarayo. Sa trono ng piling klase ng mga tao, Driver's Seat, Front Seat, Mistulang parang langit. ( by: Reuel Mark Delez ) Sino ang mga nabiyayaan, Panandaliang pwesto ng kapangyarihan, Kasiyahan, kalungkutan, katotohanan, kasinungalingan, Ang pinaglilingkuran, Ang mga naglilingkod, Mananatili lamang sa likod. Bawat tao'y tinatanong kung Sino. Sino ang kaibigan? Sino ang Iniibig? Sino'ng asawa? Sino ang querida ? Sino ang may pera? Sino ang wari lang nama'ng umaasta? Sino ang nagmamahalan? Sino ang nagmamahal? Sino ang nagtitiis, At ang nakaupong may pusong nasasaktan? May CDs, tissue at cellphone holder. May compass, dyaryo at Office of the Mayor sticker. Mayroon din Doctor on call at Medical Mission folder....