Hindi Lahat ng Galit sa Magnanakaw ay Kapatid ng Magnanakaw.

Noong mga nakaraang araw natutunan ko na mas masayang mag-bigay. At hindi maganda sa pakiramdam ang mawalan... lalo na ang manakawan.

Hindi nangangahulugan na kung nasa atin ay sa atin talaga. Pwedeng pinapa-alagaan o pinapa-ingatan lang. At kung hindi natin magagawa ang mga bagay na yon, nagbubukas lang tayo ng pinto para sa magnanakaw, sa pumapatay at sa naninira.

Wala sa mga bagay sa mundo na ito ang ating kasiyahan. At ang ating kasiyahan ay hindi naman din sa mga bagay.

Natutunan ko din na malungkot ang buhay ng madamot. At hindi lahat ng madamot ay iyong hindi nagbibigay. Meron ding madamot na nagbibigay. Yung nagbibigay na akala nila ang laki ng nawala sa kanila. Dahil hindi rin naman ibig sabihin na kung nagbibigay ka ay nawawalan ka. Pagkakataon nga iyon para lumawak yung lalagyanan. Para kapag ikaw naman ang nabibiyayaan meron kang paglalagyan.


Oo nga pala naalala ko, hindi lang naman uso ang pagbibigay tuwing Pasko.




Comments

Most Read

"I Can't Believe It's Over." A Break-Up Story

The Story of the Nativity and The Relativity

Steve Jobs & Me